CLICK HERE FOR FREE BLOGGER TEMPLATES, LINK BUTTONS AND MORE! »

Thursday, April 7, 2011

Distribution of Report cards

Grabe mga pangitain ko. Bago mag April 6 nanaginip ako ng masama in which my grades went down and really flopped. I was so nervous about my grades. Nung April 6 sinasabihan ako ng daddy ko na uminom na ng Norvasc, gamot na pampakalma para sa may mga altapresyon. Natatakot ako baka madissapoint ko sila daddy. Actually hindi ko alam kung bakit ko nadevelop ang fear ko of disappointing others. I fear of disappointing my mom, my dad and others pa though I'm doing my best in school. Lahat ginagawa ko para hindi ko sila madisappoint. Siguro if I fail, then I will surely have anxiety attacks which never happened to me. I'm really scared talaga. Nginig na nginig ako habang papaakyat na ako ng classroom but then I saw my report card. I was contented with "FIRST HONOR" naman. Haha. Ang yabang eh. Pero sana hindi ko madisappoint yung mga magulang ko at iba pa lalo na at third year na ako at balita ko ito ang pinakamahirap na taon sa high school. I will do my all still kailangan magaral at maging wide reader para makakuha ng honors. Kailangan kong paakyatin sa stage ang tatay ko. It's his dream to put a medal on me. Sana hindi ko siya madisappoint. I will do best this year. I will make my parents proud although para rin naman sakin ang ginagawa ko pero buong puso ko inaalay itong mga ginagawa ko sa mga magulang ko sapagkat sila ang aking tulay sa edukasyon kung wala sila hindi rin ako makakapagaral sa isang napakagandang paaralan. Sana magtuloy-tuloy itong magandang takbo ng grades ko hanggang sa gumradweyt ako ng highschool at kolehiyo. Hanggang sa makapasa ako sa licensure examinations. At sana matupad ko ang mga pangarap ko na makapagturo sa mga estudyante and evangelize them to be a good citizen. ^_^ 

0 comments:

Post a Comment