CLICK HERE FOR FREE BLOGGER TEMPLATES, LINK BUTTONS AND MORE! »

Friday, April 8, 2011

4 seasons Summer: Tropical Mountains

*Flashback*

"Sa tingin mo ba magiging makabuluhan pa tong relasyong ito?"Tanong ni Nicole.
"Hindi na. First of all hindi na ako makatiis sa ugali mo. Masyado kangbossy! Hindi ako katulong boyfriend ako," banggit ni Daniel
"Hindi rin ako makatiis sa ugali mo! Napakacold mo sa akin. Hindi komaramdaman na girlfriend mo ako at napakabackstabber mo! Nakitako na binackstab mo ako," banggit naman ni Nicole.
"Pano mo ako nakita na binackstab kita ha? Kaya nga backstab diba kasi nakatalikod? Tang ina! Anu ka alien? May mata sa likod?"
"Feeling mo nakatalikod ako? Kala mo lang yun! Pinakyuhan mo paako! AMBASTOS MO! Kala mo kung sino ka! Bumaba tuloy pagtingin kosa sarili ko feeling ko wala na akong taste sa lalaki nung naging tayo,"wika ni Nicole
"Ganun din ako eh," banat ni Daniel.
"BREAK NA TAYO!" Sinigaw ni Nicole
"Like I care?" Wika ni Daniel.

*Flashback end*

"Huy," tinawag si Daniel ng isang kasamahan niya sa teatro na si June. Si June ay isa sa pinakamagaling na aktor sa teatro. Pinadala rin siya sa ibang bansa para magaral. Gresya, Italya, Brasil, Amerika at Japan ang mga bansang pinuntahan niya.
"Oh tol! Bakit yun?" tugon ni Daniel.
"Magkakaroon tayo ng outing sa teatro, sasama ka ba?" Tanong niJune.
"Hay! Outing nanaman. Ayokong sumama," sagot ni Daniel kay June.
"Ha? Sige na sumama ka na! Ngayon ka na nga lang sasama eh.Kailan ka pa sumama samin? Ngayon ka na nga lang sasama eh tsaka eto na nga ang last outing ko at gusto ko kasama kita," wika ni June.
"Tol, kinikilabutan ako sayo. Bading ka ba?" Tanong ni Daniel.
"Oo nababading ako sayo eh," biro ni June.
"Ulul! Countless girlfriends? Bading?"
"Sawa na ako sa babae. Gusto ko ng lalaki," wika ni June.
"Gago! Kung gusto mong manlandi wag ako!" Tumawa si June ngmalakas.
"Sumama ka na kasi! Ang KJ naman nito, tsaka maraming chiks pare. Kasama nating magcocompany outing yung pinanghahawakan ng kaibigan ni Sir. Kaya wag kang KJ ha?" reklamo niya
"Hay! Sige na nga! San ba yang outing na yan?" Tanong ni Daniel
"Sa Baguio," sagot ni June.
"O sige. Pupunta ako."
"Sige pramis yan ah."
"Sure pare, para sayo."
"Wag ka ngang ganyan! Kinikilig ako eh!" Tumawa sila ng malakas.
"JUNE! DANIEL! ANUNG TINATAWA-TAWA NIYO DIYAN UMAKYAT NA KAYO DITO SA ENTABLADO!"
"Opo maestro," wika nilang dalawa.

---

"Makakasabay natin sa company outing natin yung kaibigan ko na si Bentley. Kasama natin siya sa company outing. He was my bestfriend in our school at pinamamahalaan niya ang isang teatro." wika ng boss nila Nicole.
"Oh. Edi mas masaya ang outing natin. I'm sure maraming boys dundiba Nicole?" untag ni Tanya.
"Oo nga eh," tugon ni Nicole ngunit hindi talaga interesado si Nicole.
"Magready na kayo ah kasi bukas na iyon."
"Yes boss!"
"Hay, buti naman at meron rin tayong break sa trabaho," wika ni Tanya.
"Excited na ako," sambit ni Nicole.
"Ako nga rin eh. I'm sure maraming boys!"
"Yan ka nanaman sa boys mo," reklamo ni Nicole.
"Kesa naman sa girls hindi ako tomboy!"
"Hay nako maghanda ka na ng mga gamit mo!"
"KDOT biatch."

Kinabukasan....

Naghanda na ang lahat para sa kani kanilang company outing. Sumakay na sila ng bus, nagstop over at kung anu anu pang mgagawain. Walong oras ang biyahe mula Manila hanggang Baguio.Matapos nun nagsibabaan na silang lahat.Nung bumaba na ng bus si Nicole nakita niya si Daniel na bumaba rin ng bus.

"IKAW?!" sinabi nila ng sabay.
"Anung ginagawa mo dito?!" Galit na itinanong ni Nicole kay Daniel.
"Eh Ikaw anung ginagawa mo dito?!"
"Company outing namin," sagot ni Nicole.
"Outing din namin sa Teatro," sagot rin ni Daniel sa tanong ni Nicole.

Nagisnaban ang dalawa at hindi nagpansinan.Gabi na nung nakarating sila Daniel sa Resthouse ng mga boss nilasa Baguio. Medyo malaki at malawak iyon. Ang iba pahinga na lang ang inatupag nila. Si Daniel naglibot muna sa rest house dahil namamahay siya at hindi makatulog. Tumambaymuna siya sa balconiya ng resthouse upang magyosi.
"Hoy!" Tinawag ni Nicole ang pansin ni Daniel.
"Hindi ka ba nahihiya? Bahay to ng iba tas nagyoyosi ka?!" Reklamo niNicole.
"Paki mo? Tsaka tulog na naman silang lahat ah," sagot ni Daniel sakanya.
"Yan ang ayaw ko sayo eh. Kapal ng mukha mo," galit na sinabi niNicole.
"Yan ang ayaw ko sayo eh, Masyado kang reklamadora," galit ringsinabi ni Daniel.
"Kaya kita hiniwalayan eh!" sabay nilang sinabi.
"Naiinis lang ako sayo! Pwede ba tantanan mo na ako," sambit ni Nicole.
"Ako pa ngayon! Ikaw rin tantanan mo na ako!"

Umalis si Nicole sa harap ni Daniel.

"Kailan ka pa natutong magyosi?" Inisip ni Nicole habang papunta nasa kanyang kwarto ngunit bumalik ulit siya
"Hay pagnagyoyosi talaga ako nakakapagrelax ako," wika ni Daniel sakanyang sarili habang umiiyak.
"Alam mo Nicole, mahal pa rin kita.Tinatago ko lang. I totally regret that I broke up with you. Ang bobo ko
para iwan ka."
"Ba't ka umiiyak?"

Narinig ni Daniel ito. Boses ni Nicole ang narinig niya.

"Anu bang paki mo?!"
"Kaya kita hiniwalayan kasi ganyan ka eh. Hindi ka nagsasabi!"
"Bakit may mababago ba sa relasyon natin ngayon kung binago ko to? Diba wala naman."

Kumuha ulit ng panibagong yosi si Daniel ngunit inagaw ito ni Nicoleat tinapon.

"Anu ba!" Galit na winika ni Daniel.
"Tigil mo na yang pagyoyosi mo!"
"Paki mo ba? Nanay ba kita? Girlfriend ba kita?"
"Oo sige mag yosi ka na! Anu ba ako sayo? Wala na naman tayongrelasyon sa isa't isa. Wala na akong paki sayo," malungkot na sinabi ni Nicole kay Daniel.
"Nicole alam ko wala ka nang paki sakin pero ako meron pa, alam kona wala na tayo pero iniisip ko pa rin na meron pa. Naging makabuluhan ka sa buhay ko. Apat na taon rin tayong naging mag-onat  apat na taon ding hindi. Sa apat na taong hindi tayo nagkasamawalang araw na hindi kita inisip at pinagsisihan ang mga nagawa ko! Alam ko wala nang mababago satin. All I can say is thank you naging parte ka ng buhay ko, thank you dahil ginawa mong makabuluhan ang buhay ko, sorry dahil naging masama akong boyfriend sayo, sorrydahil naging mapride ako."
"Anung pinupunto mo?" Tanong ni Nicole. "Tsaka anung walang paki? Ako na nga ang nagpapakatao eh. May paki pa rin ako sayo kahit papano."
"The point is I still love you! Do you even understand me?"
"Ok pero ba't mo ako sinaktan noon?"
"I'm sorry. I regret those things. Forgive me at magsimula ulit tayo."

Niyakap ni Daniel si Nicole hindi nila alam na may nakatingin sa kanila. Sina Tanya at June.

"Ang sweet ng dalawa," wika ni June.
"Oo nga eh," tugon ni Tanya.

Nagulat si June at si Tanya.

"Gulat naman ako sayo!" wika ni June
"Parang ako hindi!"
"Sige na pareho na tayong nagulat. Anung name mo?" Kinilala ni June si Tanya.
"Tanya Joy Mercado. Ikaw?"
"Enrico June Servantes."
"Nice to meet you." Sabay nilang sinabi. Namula ang pisngi ni Tanya.
"Ang ganda ng buwan no? Bilog na bilog?"
"Oo nga eh," sagot ni Tanya

At nagpahinga na nga sila dahil sa pagod.

Paggising nila....

"Woah!" Nagulat si June sa kanyang nakita. Katabi niya si Tanya sa kama imbis na si Daniel. Nakita niya na nakayakap si Tanya sa kanya. Tila parang lasing si June na hindi alam kung anung nangyari kagabi. Gayundin si Tanya, nagulat rin siya na magkayakap sila.

"Pinlano mo lahat to no?" Bintang ni Tanya sa kanya.
"Hindi ah. Hindi ko nga alam kung bakit ka napunta sa kama ko eh,"pagtatanggol na sinabi June sa kanya.
"Wag ka na magkaila," sambit ni Tanya.

Nagkunwari si June at nagbadingbadingan.
"Anu ba! Hindi tayo talo! Lalaki gusto ko at hindi babae," wika niya

Nagulat si Tanya. "Pinlano ko lahat to eh! Bading pala siya. Hindi! Gagawin kitang lalaki," sinabi niya sa kanyang sarili. Hindi niya alam kunwari lang pala iyon.

Sila Nicole at Daniel naman ay natulog ng magkasama ngunit naalala naman nila ang mga nangyari nung gabi. Nung nagising si Daniel, nakita niya na si Nicole ay nakayakap sa kanya. Tinignan niya ang magagandang mga mata at ang labi na masarap halikan.

"Pasensya na Nicole, hindi ako nagbago para sayo. Sana hindi pa huli ang lahat," wika ni Daniel sa kanyang sarili.

Pagmulat ng mga mata ni Nicole nakita niya agad si Daniel sakanyang harapan.

"Miss na kita, good morning," wika ni Daniel. Hindi makapagsalita siNicole. Hindi niya alam kung bakit biglang naging sweet si Daniel sa kanya.

Naging masaya ang outing nilang lahat. Maraming nagkakilanlan atmeron din namang nagkabalikan parang isang reunion lang nang dating magkasintahan.

"Daniel, mahal mo ba talaga ako o nagkukunwari ka lang?" Tanong niNicole kay Daniel
"Oo, hindi ko alam kung bakit," sagot ni Daniel "Sana magtuloy-tuloy na to no?"
"Oo nga eh. Mahal kasi kita eh," sambit ni Nicole.
"Buti naman hindi pa huli ang lahat. Nicole pwede bang bigyan mo akong chance para maging mabuting boyfriend sayo?" Humingi ngpermiso si Daniel.
"Hindi yan hinihingan ng permiso," sagot ni Nicole.
"Eh yung past natin kasi eh."
"Past is past. Nagbabago ang tao, kung abno ka dati iba na ngayon."
"Haha." Tumawa si Daniel. "Yun ba ang tingin mo sakin dati?"
"Oo" Tumawa silang dalawa.

Marami silang mga gawain sa loob ng resthouse. Mga kung anu anong mga bagay. Swimming panonood ng movies atbp. Namasyal rin sila sa kilalang mga lugar sa Baguio lalong-lalo na sa Minesviewpark. Nagala titanic sina Nicole at Daniel at pinagtinginan sila ng mga kasamahan nila lalo na sila June at Tanya.

"Junni! Gusto ko tayo rin," wika ni Tanya.
"Ayoko, Ano ako tibo? Ew," tanggi ni June.

Tatlong araw silang nasa Baguio. Pagdating ng ikaapat na araw, lahat sila ay nagempake na ng mga gamit at aalis na sila. Nagusap sila June at Tanya, Daniel at Nicole.

"Tanya, may gusto akong sabihin," wika ni June.
"Ano yun?" Tanong ni Tanya.
"Sa katunayan hindi naman talaga ako bading," inamin ni June
"Ako rin eh may sasabihin."
"Ano yun?"
"Pinlano ko yung magkatabi tayo sa kama. Pinlano ko pa nga na hubaran ka at makipagsex sayo eh kaso ayoko pang mabuntis," wika ni Tanya.
"Haha. Ako rin. Pinlano ko na hubaran ka at makipagsex sayo kaso
ayokong mambuntis," tugon ni June. Tumawa na lang sila ng sabay.
"Panu ba yan magkakahiwalay na tayo," sambit ni Daniel
"Ok lang pwede naman tayong magkita eh diba? Pwede rin tayongmagtawagan."
"Sabagay." Kinuha nila ang cellphone number ng isa't isa.

Marami silang hindi makakalimutan na alaala sa outing na ito. Ang inakala nilang malungkot na outing dahil nandyan ang isa't isa, yun pala masayang outing dahil nagkasama muli sila.

0 comments:

Post a Comment