Alam naman natin na quaresma ngayon, tayong lahat ay nagninilay at nagluluksa dahil sa pagkamatay ni Kristo Hesus. Inaalala rin natin ang mga kalbaryong dinanas ni Kristo sa sarili nating pamamaraan. Si Hesus ay tao rin kung kaya't hindi rin siya ligtas sa mga kalbaryong dinadanas rin natin. Lahat ng tao ay may nararanasang mga problema. Minsan dinadaan na lang nila sa tawa, minsan dinadaan nila sa iyak at yung iba imbis na umiyak hinaharap nila. Ako pag may problema ako siguro lahat nagagawa ko. Umiiyak ako pag may problema para mapagaan ang loob ko, hinaharap ko ito para makamove on and eventually pag naaalala ko ito tinatawanan ko na lang ngunit medyo nalulungkot pa rin. Malamang nagtataka kayo kung bakit yan ang pamagat ng aking blog ngayon, Ito ay dahil dito ko narinig yung dalisay na pagpapahayag ni Hesus ng kanyang damdamin gaya nating mga tao kapag pinapahayag natin ang ating problema. Umiiyak tayo at kinakausap natin ang ating sarili, sinasabi natin na "Lord bakit ako?", "Lord bakit niyo ako pinabayaan?", "Lord tulungan niyo ako." Iyan ang mga salitang lagi nating binabanggit pag may problema napansin niyo ba? Lagi ang Diyos ang hinihingan natin ng tulong, lagi nating tinatanong at lagi nating sinisisi. Inisip ko minsan na mahirap sigurong maging Diyos kasi ikaw lagi ang hinihingan ng tulong, sinisisi, eh sa dami ba namang tao sa mundo parang nakakabaliw. Siguro dito ko na tatapusin ang blog entry na to.
"In handling problems, first you must face it and next is to shoulder it."
:)
0 comments:
Post a Comment