Tinigil ko na ang chemotherapy ko dahil ako ang nahihrapan. Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa sa ipagpatuloy ko ang pagpapachemo.
*Flashback*
"Ms.Julia, I'm sorry to tell you that you have approximately 2 months to live," sambit ng doctor ni Julia. "It may be more or less but you are lucky if you reach the month of January."
*Flashback end*
Nawindang ako noon nung sinabi sakin yun ng doktor ngunit natanggap ko rin kinalaunan.
Umuwi ako sa Korea dahil gusto kong magsorry sa mga nagawa ko kay Henry bago ako kunin ng Diyos. Sana mapatawad niya ako. Ako nga pala si Julia, 28 years old na ako. May brain cancer ako at binigyan na ako ng taning ng doktor. Sa kay dami dami ng mga tao hindi ko alam kung bakit ako ang napili ng sakit na to.
Ilang oras rin ang binyahe ko. Mula states hanggang Korea. Medyo malayu-layo rin ang biyahe. Nageroplano ako papunta. Isang araw ang biyahe.
7am nakarating na ako sa Korea. Marami ang nagbago, may mga bagong business establishments at mga bagong restaurant at meron din namang nagretain.
Tinawagan ko ang tita ko para sunduin ako. Inantay ko siya sa airport.
"ANAK!" Niyakap ako ng tita ko at pinaghahalik. Parang anak na nga talaga ang turing niya sakin simula nung mamatay ang nanay ko siya na ang nagalaga sa akin.
"Kamusta ka na?" Kinamusta niya ako.
"Okey naman po,"sagot ko sa kanya.
"Alam ko hindi," sinabi niya sa akin.
Minabuti kong hindi sabihin sa kanya ang taning ko sa buhay dahil ayoko siyang magalala sa akin. Alam niya na may sakit ako ngunit hindi niya alam na tinaningan na ako ng doktor ko.
Pagbalik ko samin nakita ko ang mga kaibigan ko. Sina Brandon, Jenny at Michael.
"Kamusta ka na? Namiss ka namin bes," wika ni Jenny.
"Oo nga eh," sangayon ni Brandon
"Okey naman ako," sinabi ko sa kanila.
"Alam ko hindi," wika ni Jenny.
"Eh alam mo naman palang hindi eh ba't ka pa nagtatanong? Gaga rin to," sambit ko.
"Haha." tawa silang lahat.
Si Michael ang pinakatahimik sa kanilang lahat pero pag nandyan ako nagoopenup kami sa isa't isa. Siya pinakabestfriend ko sa lahat. Ang akala nga nila kami ang magkakatuluyan eh kaso hindi kasi bading si Michael.
"Julia," tinawag ako ni Michael.
"Oh. Namiss kita," wika ko.
"Bukod samin may nakakalimutan kang bisitahin."
"Hindi muna siguro ngayon."
"Julia, alam ko tinaningan ka na ng doktor. Kaibigan ko ang doktor na iyon. Hindi ka makapaglilihim sakin." Nagulat ako nung sinabi niya sakin iyon.
"Don't worry Julia, hindi ko sasabihin kay tita. Bisitahin mo na siya bago pa mahuli ang lahat," wika niya.
"Kaso baka hindi na niya ako matanggap. Natatakot ako," sinabi ko ang mga posibilidad na mangyari sakin.
"Anu mang sabihin niya sayo tanggapin mo kasi hindi mo naman makokontrol ang damdamin ng tao diba?"
"Pero I need time," sinabi ko sa kanya. "Kung kunin man ako ng Diyos agad sayo ko na lang siya ihahabilin."
"Sige, don't worry aalagaan ko si Henry gaya ng pagaalaga mo sa kanya dati," wika niya.
"Thank you." Alam ko masakit rin kay Michael na mawala ako. Kahit hindi siya umiiyak alam ko kung ano ang emosyon niya.
Tatlong linggo ang nakalilipas at ramdam ko na ang pagkahina. Tinitiis ko ang sakit pero hindi ko na kaya. Sinugod ako sa hospital at doon na ako nagpahinga.
"Sabi ko sayo eh. Puntahan mo na si Henry," sambit ni Michael sakin. "Yan tuloy huli na ang lahat."
"Hay. Tulungan mo na lang akong umalis sa ospital. Tas pupuntahan ko na siya," wika ko."Hay naku naman. Kung pinuntahan mo lang siya habang maaga pa hindi na sana aabot ng ganito," galit na sinabi sakin ni Michael.
"Please," pakiusap ko sa kanya.
"Makakatanggi ba ko? Sige na nga." Hay ang saya. Tinanong niya ako kung kailan ko gustong pumunta minadali ko siya at sinabi ko ngayon ko gustong pumunta.
"Ha? Hindi ako prepared! Hayy. Sige na nga."
"Thank you talaga for doing my last wish."
"Hay nako. Pinaiiyak mo nanaman ako eh. Kala mo iiyak ako ah. Hindi."
Pinuntahan na namin si Henry. Habang inaantay ko siya pinaalis ko muna si Michael.
"Mike, iwanan mo muna akong sandali," wika ko.
"Eh baka may mangyari sayo eh."
"Tawagan na lang kita."
"Sige."
Laking gulat ko may mga anak na pala siya at may asawa na. Hay. Okey na siguro to. Ang makita siya sa huling pagkakataon yun na siguro ang best christmas gift na natanggap ko. Henry buti naman masaya ka na. Lord handa na ako sa anumang mangyari sakin. Thank you Henry dahil minahal mo ako.
"Excuse me?" Nilapitan ako ni Henry. Humarap ako sa kanya at nakita ko siya.
"Anung ginagawa mo dito?" Tinanong niya sakin.
"Nandito sana ako para makita ka."
"Para san pa?" Hindi ako nakasagot sa kanya.
"Alam ko naman na ayaw mo akong makita eh. Well pakasaya ka na lang kasama ng mga anak mo at ng asawa mo," wika ko.
"Ah wala pa akong anak." Nawindang ako sa sinabi niya. Sino yung mga bata?
"Inaalagaan ko mga anak ng kaibigan ko."
"Sorry nga pala," humingi ako ng tawad sa kanya.
"No need nagawa mo na," tugon niya. Napaka blanko ng boses niya.
"Kamusta ka na nga pala? Pumayat ka ah."
"Okey naman ako."
"Ah. O sige aalis na ako. Pumunta lang naman ako para kamustahin ka."
"Hindi mo ba sakin sasabihin kung bakit ka umalis? Kung bakit mo ako iniwan? Kung kamusta ka na."
"Ok naman ako. Hindi kasi masabi sayo kung bakit ako umalis eh. alam ko naging mali ako noon nung iniwan kita nang hindi ko sinasabi sayo. Sige aalis na ako." Lumakad ako papunta sa pinto. Hindi ko alam ambilis ng pangyayari. Paggising ko nasa ospital na ako.
"Julia!" Narinig ko ang boses ni Henry. Ngumiti na lang ako sa kanya.
"Pasensya na ah." Humingi ako ng tawad sa kanya.
"Sinungaling ka. Ba't di mo sinabi sakin. Ang sabi mo okey ka lang pero hindi naman pala."
"Sorry. Henry."
"Julia." Umiyak si Henry.
Pinunasan ko ang luha sa kanyang mga mata. Hindi na ako makapagsalita ngayon. Siguro nadamage na ang talking function part ng brain ko. Kumuha ako ng papel. Isinulat ko ang mga gusto kong sabihin.
"Henry, I'm sorry. hindi ko sinabi." Nakasulat sa papel.
"Ok lang. Kayanin mo yang sakit mo," sinabi niya.
"Henry mahina na ako. Hindi ko na kaya. Ako dapat ang nagsasabi na 'kayanin mo',"
"Julia. Hindi ko kaya."
"I believe in you. Nahihirapan na rin ako eh. Gusto ko na magpahinga. Pakawalan mo ako. Handa na akong magparaya. Mahal kita."
Isang linggo niya akong inalagaan.
"Julia. Malapit na magchristmas anu gusto mong regalo?" Tanong niya.
"Gusto kong makita kang masaya," sinulat ko sa papel. Nakita ko na ang snow na bumabagsak. ang ganda ng first snow.
Habang siya ay natutulog. Nagsulat ako ng liham sa kanya bilang tanda ng paalam. Hindi ko na kasi kaya. Alam ko magkikita kami sa susunod na buhay.
-----
"Julia!" Umiyak si Henry ng malakas. Binigay ni Michael sa kanya ang letter na iniwan sa kanya ni Julia nung malapit na siyang bawian ng buhay.
Ang nakasulat:
Dear Henry,
Siguro binabasa mo to ngayong wala na ako. Pasensya na kung bigla kitang iniwan noon. May sakit kasi ako eh. Ayoko lang sabihin sayo kasi baka magalala ka. Alam ko naging mali ako nung iwanan kita at magpagamot ako sa Estados Unidos pero I just want you to know that I still love you at walang araw na hindi kita inisip. Sana mapatawad mo ako sa ginawa ko. Thank you na rin sa ginawa mong pagaalaga sakin. Thank you na rin dahil minahal mo ako. Sayo ko lang naranasan tong magmahal. Henry, sana tuparin mo ang wish ko na sana maging masaya ka at palayain mo ako. Humanap ka ng talagang mamahalin mo. May purpose kung bakit nangyari ito. Ibigsabihin hindi talaga ako ang para sa iyo. Alam kong mahirap pero alam kong kakayanin mo. Tuparin mo wish ko ha kasi yun lang hinihingi ko eh. Hindi ko alam kung pano ko to tatapusin pero sige hanggang dito na lang ako. I love you.
Julia.
Umiyak si Henry at nagpasalamat kay Julia.
---
0 comments:
Post a Comment