Characters:
Francis- Ang Bida. Isang ordinaryong lalaki na maiinlove sa kanyang
kaibigan.
Chris- Ang kasintahan ng bida.
15 na taon na ang nakalipas simula nang makita ko ang una kong
minahal. Marami na ang nagbago sa mundong aking ginagalawan.
Minsan mahirap magcope up sa pabago-bagong panahon.
=======Unang piyesa: Unang pagkikita=======
Kasisimula pa lang ng klase sa MSMC (Pangalan ng Paaralan namin),
umuulan na agad. Shet that's what I forgot! Nakalimutan ko ang
magdala ng payong. Medyo makulimlim noong panahong iyon at
medyo malamig. Ang lamig ng hangin buti na lang at may Jacket
akong dala.
Tapos na ang first day of classes at nagsisiuwian na ang iba. Ako
naman hinihintay kong tumigil ang ulan dahil ayaw kong mabasa ang
damit ko ng tubig ulan.
Habang nakaupo ako sa isang silya, di ko man lang namamalayan na
nakatulog na pala ako doon. Ginising ako ng isang lalaki.
"Hey," tawag pansin ng isang lalaki sa'kin.
"Bakit?!" Medyo masama pa ang tono ko noon dahil bagong gising
ako.
"Gusto niyo po ba makisabay sa payong ko? Sa tingin ko po kasi
iniintay niyo pa po ang pagtila ng ulan," kanyang sinabi
"Sige po san po ba kayo nakatira?" Tanong ko sa kanya
"Sa may Kwatro street," kanyang sagot
"Malapit lang po pala kayo samin eh," aking sinambit.
Hinatid niya ako hanggang bahay namin.
==========
Nagyoyosi ako sa loob ng kwarto ko habang naaalala ko yung mga
taon na nagkasama kaming dalawa. Masakit sa puso pero kailangang
maging matapang.
======Ikalawang piyesa: Ang Pagkabuo=======
"Ako nga pala si Christian Managhoy. Tawagin niyo na lang akong
Chris para mas madali," pakilala ng isang lalaki sa klase namin. Siya
ang naghatid sakin papunta sa bahay ko.
"Umupo ka na lang sa tabi ni Francis," sambit ng aming guro.
Nakipagkaibigan siya sa akin. Hindi naman ako tumanggi kasi baka
madismaya siya. Naging magkaibigan kami at siya ang pinaka
bestfriend ko sa lahat. Lagi nga kaming tinutukso ng iba pa naming
kabarkada na mag-On pero hindi naman. Sweet siya sakin, lagi siyang
nagaalala. Pag gabi tinatanong niya lagi kung kumain na ako at lagi
kaming nagpupuyatan sa telepono.
Habang nasa klase nakaupo kaming dalawa at pinapalagay ng
teacher namin kung ano wishlist namin sa pasko.
"Francis!" Tinawag ako ni Chris
"Yo," sagot ko sa kanya
"Anu bang wishlist mo this christmas?" Tinanong ako ng mokong
"Hindi ko alam eh. Siguro kahit anong bagay kahit na mura basta
magpapaalala sa mga taong mahal ko," sagot ko sa kanya.
"Ah. Ako kasi hirap ako magisip ng wishlist ko eh," wika niya
"Yun na ang nilagay ko eh," tugon ko.
Makalipas ang ilang buwan at pasko na. May party kami sa aming
paaralan at binigyan ako ni Francis na isang regalo.
"O yan regalo ko sayo," kanyang wika.
"Ano naman to?" Tinanong ko siya.
"Isa yang piyesa ng ibibigay ko sayo."
"O tapos?"
"Bawat taon, magbibigay ako sayo ng mga piyesang iyan at kailangan
mo siyang buuin," kanyang paliwanag.
Yun nga bawat taon unti-unti kong binubuo ang mga piyesang kanyang
binibigay gaya ng unti-unting pagbuo ng pagmamahal ko sa kanya.
Hindi ko kinekwestiyon kung bakit ko ba siya mahal at kung ano ang
nagustuhan ko sa kanya. Wala ng paligoy-ligoy pa oo mahal na mahal
ko siya nang higit pa sa magkaibigan pero hindi ko alam kung ganon
din ba siya sakin.
=======
Naubos ko ang ang sigarilyong hinihit-hit ko. Tumulo ang mga luha
saking mga mata. Hanggang ngayon umaasa pa rin ako sa mga
pangako mo. Nakatulog ako sa pagod ng pag-iyak.
Pagising ko ng umaga punta agad ako sa kusina at nagluto. Ako na
lang ang magisa sa buhay. Wala na ang aking mga magulang.
Namatay sila sa isang pangyayari sa Manila. Tita ko ang nagpaaral sa
akin nang tumungtong ako sa kolehiyo.
Pumunta ako sa mall at inaantay ko ang tiyahin ko dahil may ibibigay
siya sakin. Habang nagaantay ako inalala ko yung mga pagtatanggol
niya sakin sa mga gago at ang pagaalaga niya sakin.
=====Ikatlong piyesa=====
"Aray!" Sinapak ako ng isang nakakatakot na tao.
"Pera mo? Labas mo bilis!"
"Wala na akong pera," aking sinambit.
Sinapak ako ng paulit-ulit. Wala naman kasi akong pera. Umuuwi ako
naglalakad.
Biglang may sumapak sa gagong nilalang. Binugbog siya ng isang
taong hindi ko maaninag kung sino. Nanghina na lang ako at
hinimatay. May lagnat pala ako at siyempre pagod sapagkat binugbog
ako.
Pagising ko nasa loob ako ng bahay at binabantayan ako ng kaibigan
ko. Natutulog siya at pinagmasdan ko ang mga magaganda niyang
mata, ang matangos na ilong niya at ang bibig niyang simpula ng mga
rosas. Hinaplos ko ang kanyang buhok na napaka lambot. Nagising
siya at ako naman pasimple na di nakatingin sa kanya.
"Hoy!" Sumigaw ang mokong sakin
"Bakit?"
"Diba sabi ko wag kang maglalakad na ikaw lang ang magisa? Dapat
inantay mo na lang ako o kaya naghanap ka ng kasama. Hindi mo ba
alam kung gaano ako nagalala sayo?" Namumula pa ang kanyang
mga mata.
"Napapraning ako kagabi. May pasa ka pa at mga sugat. Sa susunod
ah. Antayin mo ako."
"Opo," tugon ko sa kanya at ngumiti na ako sa kanya. Hinawakan niya
pisngi ko at kinurot niya.
"Ang cute mo talaga!" Sabi ng mokong.
Sa tuwing nagkakasakit ako, siya ang nagaalaga sakin. Sa tuwing
binubully ako siya ang nagtatanggol sa akin.
=======
Nakita ko na nga ang tiyahin ko. Ang gusto ng tita ko na ako ang
maging isa sa mga groomsmen ng kanyang asawang hapon. Magaan
ang loob ko sa asawa niya parang tatay at kapatid ang turing ko sa
kanya gayundin siya sakin. Binigay niya sakin ang isang invitation.
Matapos nun ako ay humalik na sa kanya at umuwi na sakay ng isang
jeep. Habang bumabyahe naaalala ko ang araw kung kailan kami
nagkahiwalay.
======Ikaapat na piyesa: Mahal kita======
Matatapos na ang school year at inimbitahan ako ng mga magulang
niya na kumain sa kanila. Nagkwentuhan kami at nagtawanan. Ang
saya pala kasama ng mga magulang niya.
"Yang si Christian, magaaral siya sa Australia next year at doon na
kami lilipat," banggit ng kanyang nanay.
"Maganda yon Chris, go grab the opportunity," wika ko ngunit
nasasaktan ako.
Hinatid ako ni Chris sa bahay namin.
"O ba't parang malungkot ka?" Tanong ni Chris sa akin.
"Wala," sagot ko sa kanya
"Tungkol ba to sa sinabi ng mommy ko sayo?" Hindi na ako umimik.
"Hoy! Magsalita ka naman."
"Sabi mo walang iwanan sa ere, nasan na yang mga pangako mo?
Talkshit ka men!" Galit kong sinabi sa kanya.
"Alam mo, lahat ng ginagawa ko para sating dalawa to," kanyang
sinabi.
"So kailangang mangiwan?"
"Pasensya naman. Wala na naman akong magagawa eh. O siya
hanggang dito na lang."
"Mahal kita." umiiyak kong sinambit sa kanya.
"Mahal din kita."
"Higit pa sa kaibigan." Inamin ko sa kanya ang mga nararamdaman ko
bago siya umalis.
"Gago ka! Tang ina ka! Bakit ngayon mo lang sinabi? Bakit kung kailan
ako aalis dun mo lang sinabi?"
"Oo na ako na ang gago! AKO NA ANG TANGA!"
"BUTI ALAM MO! DI MO BA ALAM GANUN DIN ANG NARARAMDAMAN
KO SAYO? MANHID KA GAGO. DATI PA AKO NAGPAPARAMDAM
SAYO!" Oo na ako na ang manhid ako ng ang tanga.
Umiyak siya sa harap ko at ganun din ako. Bumuhos ang malakas na
ulan at kami ay nagkaaminan.
Kinabukasan...
Nasa paliparan kami at aalis na siya.
"Francis,"
"Oh."
"Pangako pag nakagraduate na ako ng kolehiyo, babalikan kita.
Hahanapin kita kahit san ka man naroroon," kanyang pinangako.
Niyakap ko siya habang umiiyak ako.
"I love you." yan na lang ang huling salita na narinig ko sa kanya.
Hindi ko na nabuo yung regalo niya saking puzzle.
=======
Sa wakas at nakarating na ako sa aking paroroonan. Tumuloy na ako
sa bahay at nagluto na ng kakainin ko. Kumain na ako.
Ako lang ang magisa.....
Walang kasama.....
Tinanong ko sa sarili ko, "Habang buhay na lang ba ako magiging
ganito nagiisa sa buhay at walang kasama? " Pinagmasdan ko ang
picture fram ng mama at papa ko sa sala at naalala ko ang nangyari
sa kanila noong magkokolehiyo na ako.
======Ikalimang Piyesa: Mga nawawalang piyesa. Mga taong nawala ka======
Narinig ko sa balita...
22 people died while close to a hundred were injured when five
simultaneous bombings rocked five areas in Metro Manila—LRT and
Plaza Ferguson in Manila; a bus in Cubao, Quezon City; NAIA in Pasay
City and an area near a gas station in Makati City.
Tumawag sakin yung tita ko at iyak ng iyak. Habang nanunuod ako ng
TV.
"Francis ang mama at papa mo!" Sigaw ng tita ko sa telepono.
"Anung nangyari sa kanila?" Pagaalala kong sinabi sa kanya.
"Francis namatay na sila!" Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
"Tita wag ka magbibiro ng ganyan!"
"Hindi ako nagbibiro. Nakita ko! Sa LRT," sambit ng tita ko habang
siya'y umiiyak.
Dali dali akong bumyahe galing laguna papunta sa maynila kung saan
nakatira ang tita ko. Limang oras akong bumyahe papunta sa kanila.
"Tita anu nangyari? Tita!" Iyak kami ng iyak.
Narecover ang mga bangkay ng mga magulang ko at doon
pinacremate namin sila.
Matapos ng pangyayaring iyon, naging malungkot na ang buhay ko.
Sunod sunod ang mga problemang naranasan ko. Iyak ako ng iyak sa
kwarto.
Tinapos ko ang high school at nung magkolehiyo ako tita ko naman
ang nagpaaral sakin. Marso 2001 ako naggraduate ng high school. At
nagpunta ako sa Maynila. Doon hinanap ko ang aking sarili. Nagaral
ako at nagtapos ng accountancy.
Isa rin sa mga problema ko ay noong kasagsagan ng bagyong Ondoy.
Iyak ako ng iyak sa kakahingi ng tulong at halos malunod na ako. Akala
ko mamamatay na ako nung mga panahong iyon pero hindi pa pala.
=======
Hindi na ako umiyak. Siguro ubos na ang mga luha ko. Siguro
nakalimutan na niya ang mga pangako niya sakin. Highschool pa lang
naman kami noon eh at tapos na siguro yun magkolehiyo. Hindi na
niya siguro ako naaalala. Sigurado ako may asawa at anak na siya.
Malamig na pagtingin ko sa kanya. Dahilan na rin siguro ng
pagbabago ng panahon.
Natulog na lang ako dahil maaga pa ang pasok ko bukas dahil may
bago akong trabaho. Tinawagan kasi ako ng isang sikat na kumpanya.
Kinukuha nila ako sa para sa isang mataas na posisyon. Grabeng
bigtime yun! Tinawagan ako mismo ng kumpanya para doon? Di
naman ako kagalingan. Ang mismong pagrereportan ko ay ang C.E.O!
=====Huling Piyesa: Mga piyesa ng kasalukuyan=====
Kinabukasan......
Nagreready na ako para unang araw ko sa trabaho. Nagtungo na ako
sa kumpanyang aking papasukan. Nakita ko ang iba
nagugoodmorning sakin . Nagpunta na ako sa opisina ko at nilagay
ang gamit ko doon at nakita ko ang opisina ng boss ko.
"Mr. Dela Rosa! Hinahanap at Hinihintay kita for Five years! At last
nandito ka na rin sa piling ko," sambit ng boss ko. Sino ba siya? Sa
piling ko?
"Eh? Piling niyo?" Nagtaka ako. Bigla siyang humarap sa akin. Nagulat
ako sa nakita ko. Si......Si.....Si Chris.
"C-C-Chris?" Nautal ako nang nakita ko siya.
"Francis," diretso niyang sinabi ang pangalan ko.
Umiyak ako sa harap niya.
"Ba't ka umiiyak?" Tanong niya.
"Gago ka kasi eh! Bakit ngayon ka lang?"
"Dumating sa buhay ko. Pilit binubuksan ang sarado ng aking puso.
Ikaw ba ay nararapat sa akin?" Kinanta niya
"ULUL!"
Kinuha niya ang kamay ko at kami ay umalis.
Nasa kotse kami. Hinawakan niya ang kamay ko at nagdrive na siya.
Wala akong imik sa loob hanggang sa binasag niya ang katahimikan.
"Alam mo ba kung san tayo pupunta?"
"Malay ko sayo? Nagtatanong ka sakin ikaw ang nagdadrive."
Pinilosopo ko siya.
"Papunta tayo sa Laguna, sa dating bahay niyo." Nagpunta nga kami
sa Laguna. Doon nagkwentuhan kami. Kinwento ko sa kanya ang mga
nangyari sa akin nung nawala siya. Doon umiyak ako sa balikat niya.
Niyakap niya ako at dinamayan. Kinwento niya kung ano ang nangyari
sa kanya sa Australia. Halos mabaliw na siya sa kakakaisip sakin.
"Gago ka Chris, bakit mo ako iniwan? Bakit pinatagal mo pa ng ilang
taon bago ka bumalik sa Pilipinas?"
"Hindi kita iniwan Francis. Malayo lang ako sayo pero ang puso ko
malapit pa rin sayo. 2005 pa lang bumalik agad ako ng Pilipinas.
Hinanap kita sa dati mong bahay kaso hindi ka na nakatira doon.
Pinahanap kita sa taong kilala ko."
"Bakit ngayon lang?" Iyak ako ng iyak
"Hindi ko rin alam eh. Nagsikap lang talaga ako para mabuo ang mga
pangarap nating dalawa."
"Hindi ko pangarap yan! PANGARAP MO LANG YAN! Ang tanging
pinangarap ko lang ay ang makasama ka pero tumigas na ang puso
ko."
Ang lakas ng ulan at ang lamig gaya ng pagtingin ko sa kanya ngayon.
Malamig na.....
"GAGO KA PALA EH! SINABI MO AKO ANG NANGIWAN. IKAW RIN
PALA! IKAW RIN ANG HINDI TUMUPAD SA PANGAKO NATIN SA ISA'T
ISA," sinigaw niya sa akin.
"Bakit ang tagal mo?"
"Kasi nagsisimula pa lang akong itaguyod ang sarili ko! Hirap pa ako
at wala pa akong kakayahan para hanapin ka sa buong Pilipinas! At
sang lupalop ka man naroroon!"
"Pasensya na! Talagang ganito lang ang panahon. Pinalamig na ng
panahon ang puso ko."
"Pero pwede pa bang painitin ko muli iyan?"
"Pasensya na. Hindi na."
Lumayas na ako sa harap niya
*BEEEEEEEEEEEEEEEEP*
"FRANCIS!"
"ARAY!" Napa upo na lang ako. Nakita ko na lang siyang naka
handusay sa daan.
"Chris!" Mabilis ang mga pangyayari. Dinala ko siya sa pinakamalapit
na ospital. Kasama ko ang driver ng kotseng nakabangga sa kanya.
"TANG INA KA! PAG MAY NANGYARI SA MAHAL KO! LAGOT KA SAKIN!"
Akala ko naglaho na ang pagtingin ko sa kanya. Akala ko pinatigas na
ng panahon ang puso ko. Akala ko hindi ko na siya mahal.
MAHAL PA RIN KITA CHRIS!
"Anu na nangyari sa kanya doc?" Tinanong ko ang doctor.
"He lost tremendous amount of blood. Kailangan natin ng donor na
type A na blood type."
"Type A? Ako type A!"
"Sige itetest namin kung pepwede ka" At yun na nga tinest nila kung
pwede akong magdonate. Nagdonate ako ng dugo
Nagpahinga ako sa pagod sa pagdodonate ng dugo.
"Dok anu na nangyari?" Tinanong ko ang doktor.
"Ok na siya and he is recovering," sabi ng doktor sakin.
"Lord sana makarecover na siya," yan ang dinadasal ko ngayon. Sana
makarecover na nga siya. Pumasok ako sa kwarto na kanyang
pinagtutulugan. Iyak ako ng iyak. Nakahawak lang ako sa kamay niya
hanggang sa makatulog ako.
Nagising bigla ako nang nakaramdam ako ng humahaplos sa buhok
ko. Si Chris. Gising na siya at pinagmamasdan niya ang pagtulog ko.
"O gising ka na pala!"
"Hindi tulog pa! Tulog pa ako! Nakapikit pa nga ako eh! Check it out.
See for yourself!"
"ULUL! haha."
"O ano akala ko ba matigas na puso mo at malamig na pagtingin mo?
Nasan na tigas ng puso mo?"
"Sorry Mali ako ng inakala," humingi ako ng patawad sa kanya
"Kailangan pa atang maaksidente ako eh! haha!" Tawa niya.
"Salamat pala sa pagligtas sakin."
"Wala iyon. Mahal kasi kita eh."
Nagkwentuhan kami sa mga nangyari sa amin nung mga araw. Yung
mga oras na nawala at yung regalo niya noong pasko.
"Francis."
"O?"
"Naaalala mo pa ba yung niregalo ko sayo noong first year. Nung
pasko?"
"Oo. Yung puzzle."
"Gusto mong buuin?"
"Sige." Pinadala ko yung puzzle na iyon sa ospital pati na rin yung mga
pirasong natitira ay pinadala ko.
Binuo namin itong puzzle at nakita kong ang salitang "Mahal kita" at
nakasulat ang pangalan ko. Kinwento niya na bahagi pala ito ng
kanyang pagtatapat ng pagibig sa akin dati.
Matapos nun pinasyal ko siya sa labas ng ospital. Nakawheel chair
siya.
"Mahal mo ba talaga ako?" Tanong niya sakin habang kami ay
namamasyal.
"Oo naman," sagot ko.
"Patunayan mo." Hinamon niya ako.
"O ayan na." Hinalikan ko siya ng matagal habang nakaupo siya sa
wheel chair.
=====
Lahat tayo ay may mga sariling puzzle na binubuo sa buhay. Bawat
piyesa nito ay mahalaga kaya pahalagahan natin ang mga ito.
Sa Ingles:
We all have puzzles to complete in our lives. Every part of it is important
so we should appreciate it.